Bilang isang regular na pasahero ng MRT, nakasanayan ko nang ituring na panibagong pakikipagsapalaran ang bawat umaga at gabing sasakay ako ng tren papunta at pauwi galing sa opisina. Hindi ako exagge sa salitang pakikipagsapalaran. Madalas kabado ako na kapag nakatapak na ‘ko sa yellow lane (yung areang bawal tapakan), bigla na lang may mga atat na pasahero sa likod ko ang magtutulakan habang paparating yung tren, tapos mahuhulog nila ako sa riles at sakto akong masasagasaan.
Para sa mga masyadong sophisticated na tao na may sariling chauffeur at di alam ang eksena sa MRT, ganito po:

(Bawal tumapak sa yellow lane.)
Hindi ako sumasakay sa coach ng boys, pero depende kung nagra-roundtrip ako kasi maarte ako. Maliban sa maraming lalaki na ang hindi na nagpapaupo ng mga babae, marami ring mabaho sa kanila. Minsan may mga mabaho ang kamay, di ko alam kung bakit…
Pero kagabi, medyo amazing yung dinatnan ko sa MRT. Seryoso, may matatalinong taong nakaimbento ng pila. So nakipila ako just for kicks. Ang saya lang isipin na meron pa ring mga tao na mas gusto yung mga paraang hindi nakasanayan pero mas makakabuti sa karamihan. Sa totoo lang, bakit sa mga pila ng FX wala namang nagsasabunutan, di gaya sa Cubao Station? Siguro kasi “ganun talaga sa MRT”.
E pano kung yung “ganun talaga”, gawin nating ganito:

E di lahat sana ng pasahero kalmado. Walang alimango.
Sana gawin talaga ng MRT / LRT ‘to para walang taong nagrereklamo.
Saka kahit sino naman pala kayang magsimula ng pagbabago e, bakit gustong- gusto pa ring umaasa sa gobyerno?
Design by Simon Fletcher. Powered by Tumblr.
© Copyright 2010